Tsina't Tonga, ipinagdiriwang ang ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng 2 bansa

2018-11-03 15:12:08 CRI

Ngayong taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Tonga. Bilang pagdiriwang sa okasyong ito, nagpadala nitong Biyernes ng liham sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina't Haring Tupou VI ng Tonga.

Nangako ang dalawang lider na sasamantalahin ang pagkakataong ito para mapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at magkakaloob ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng magkabilang panig.

Salin: Jade


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino