Bunga ng Tsina sa reporma, pagbubukas at pagpapahupa ng karalitaan, hinangaan ng Presidente ng World Bank

2018-11-03 19:07:11 CRI

Ipinahayag ni Jim Yong Kim, Presidente ng World Bank Group ang paghanga sa mga natamong bunga ng Tsina sa reporma, pagbubukas at pagpapahupa ng karalitaan. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng World Bank na palalimin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan.

Winika ito ni Kim nang magtagpo sila ni Pangalawang Premyer Liu He ng Tsina nitong Biyernes sa Beijing.

Lumahok si Kim sa dalawang araw na Pandaigdig na Porum hinggil sa Reporma, Pagbubukas sa Labas at Pagpapahupa ng Kahirapan ng Tsina na binuksan nitong Huwebes sa Beijing.

Si Jim Yong Kim, Presidente ng World Bank Group habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng porum

Salin: Jade
Larawan: Xinhua/Zhai Jianlan

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino