Pasuguan ng Dominican Republic sa Tsina, pinasinayaan

2018-11-03 19:10:14 CRI

Pinasinayaan ngayong araw sa Beijing ang Pasuguan ng Dominican Republic sa Tsina. Magkasamang lumahok sa pasinaya sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Pangulong Danilo Medina ng Dominican Republic.

Kasalukuyang isinasagawa ni Pangulong Medina ang opisyal na pagdalaw sa Tsina. Lalahok din siya sa kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) na gaganapin mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 10, 2018, sa Shanghai.

Noong Mayo 1, 2018, lumagda ang dalawang bansa Magkasanib na Komunike ng Pagtatatag ng Ugnayang Diplomatiko, sa Beijing, Tsina.

Pinasinayaan ang Pasuguan ng Tsina sa Dominican Republic noong Setyembre 21, 2018.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino