Estratehiya ng Tsina sa pagpapasigla ng kanayunan, makakatulong sa UN 2030 Agenda for Sustainable Development: FAO, IFAD at WEP

2018-11-03 19:09:20 CRI

Sa magkasanib na pahayag na inilabas nitong Biyernes, Nobyembre 2, 2018 ng Food and Agriculture Organization(FAO), International Fund for Agricultural Development (IFAD) at World Food Program (WFP) ng United Nations (UN), ipinalalagay ng tatlong organo ng UN na ang estratehiya ng Tsina hinggil sa pagpapasigla ng kanayunan ng bansa ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng UN 2030 Agenda for Sustainable Development.

Ang nasabing pahayag ay inilabas sa panahon ng pagdaraos ng Ministerial Forum on Global South-South Cooperation in Agriculture sa Changsha, Tsina.

Anang pahayag, bilang mahalagang umuunlad na miyembro ng nasabing tatlong organo ng UN, palagiang kinakatigan ng Tsina ang pagganap ng UN ng nukleong papel sa mga isyung pandaigdig, at nakahanda ang bansa na ibahagi ang mga teknolohiya, impormasyon at karunungan sa mga organo ng UN sa proseso ng pagpapatupad ng estratehiya ng pagpasigla ng kanayunan. Hangad ng tatlong organo na iugnay ang nasabing estratehiya ng Tsina sa mga proyekto ng UN para suportahan ang mga umuunlad na bansa sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino