Papua New Guinea, handang-handa na para sa 2018 APEC Leaders' Week

2018-11-11 18:41:04 CRI

Sinabi kamakailan ni Justin Tkatchenko, Ministro ng Papua New Guinea na namamahala sa mga suliranin ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), na handang-handa na ang iba't ibang gawain para sa APEC Leaders' Week, na gaganapin mula ika-12 hanggang ika-18 ng buwang ito, sa Port Moresby, kabisera ng bansang ito.

Ani Tkatchenko, gagawin ng pamahalaan ng Papua New Guinea ang lahat ng pagsisikap, para maging ligtas at matagumpay ang aktibidad na ito.

Aminado rin si Tkatchenko, na ang akomodasyon, transportasyon, at seguridad ay mga pangunahing hamon sa paghahanda para sa kasalukuyang APEC Leaders' Week. Pero aniya, nalutas na ang mga problemang ito, sa pamamagitan ng sariling pagsisikap ng pamahalaan ng Papua New Guinea, at tulong ng mga ibang bansa, na kinabibilangan ng Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino