Pangkalahatang Kalihim ng UN, positibo sa multilateralismo

2018-11-12 11:39:36 CRI

Sa kanyang talumpati sa Porum na Pangkapayapaan ng Paris na binuksan Nobyembre 11, 2018 sa Paris, Pransya, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) ang pag-asang igigiit ng komunidad ng daigdig ang multilateralismo para harapin ang mga pandaigdigang hamong kinabibilangan ng di-pagkakapantay ng lipunan, pagkalat ng sandatang nuklear, pagbabago ng klima at iba pa.

Ang nasabing porum ay inisponsor ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya para pasulungin ang multilateral na kooperasyon ng daigdig. Dumalo sa kasalukuyang porum sina Pangulong Macron, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, at mga lider ng ibang bansa.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino