Pangalawang tagapangulo ng NPC, dumalo sa Porum na Pangkapayapaan ng Paris

2018-11-12 11:41:35 CRI

Binuksan Nobyembre 11, 2018 ang Porum na Pangkapayapaan ng Paris. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Ji Bingxuan, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Ibinigay ni Ji sa porum ang aklat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pinamagatang “Ideya sa Pagpapasulong ng Konstruksyon ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Sangkatauhan.”

Ipinahayag ni Ji na ang librong ito ay nagpapakita ng talino at ideya ng Tsina sa pagpapasulong ng pandaigdigang kapayapaan, kaunlaran at pagpapasulong sa reporma ng sistema ng pangangasiwa ng mundo.

Nang araw ring iyon, bumisita si Ji sa Eksibisyon ng “Belt and Road” sa nasabing porum. Dumalo rin siya sa seremonya ng Ika-100 anibersaryo ng pagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig, na inisponsor ng pamahalaan ng Pransya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino