Tsina, positibo sa repormang multilateralismo ng WTO

2018-11-21 13:47:19 CRI

Ipinahayag Nobyembre 20, 2018 sa Geneva, Switzerland ni Zhang Xiangchen, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa World Trade Organization (WTO) ang pag-asang igiit ng WTO ang prinsipyo ng paglaban sa proteksyonismo, unilateralismo at diskriminasyon, at igiit ang malayang kalakalan, investment facilitation, at demokrasya, sa proseso ng reporma.

Aniya, ang pinakamahalagang tungkulin sa kasalukuyan ay pagpapanumbalik ng operasyon ng mekanismo ng WTO sa paglutas sa mga alitan, at pagpapasulong ng talastasan hinggil sa subsidy program ng industriya ng pangingisda, e-commerce, investment facilitation, at katamtamang-laki, maliit, at mikrong bahay-kalakal.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino