Dapat paunlarin ng buong daigdig ang partnership — Tsina

2018-12-06 16:06:03

Ipinahayag Miyerkules, Disyembre 5, 2018, ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na ang karalitaan at kakulangan sa kaunlaran ay mahalagang pinag-uugatan ng sagupaan. Dapat aniyang komprehensibong pasulungin ng komunidad ng daigdig ang "Agenda ng Sustenableng Pag-unlad sa Taong 2030," at paunlarin ang partnership sa buong daigdig para mapasulong ang sustenableng kapayapaan sa pamamagitan ng sustenableng kaunlaran.

Winika ito ni Ma sa kanyang talumpati sa debatehang idinaos ng UN Security Council na may temang "Pagtatayo ng Kapayapaan at Sustenableng Pag-unlad: Rekonstruksyon, Kapayapaan, Kaligtasan, at Katatagan Pagkatapos ng Sagupaan."

Kaugnay ng rekonstruksyon pagkatapos ng sagupaan, ipinahayag ni Ma na dapat tupdin ang layunin at prinsipyo ng "UN Charter," at pundamental na norma ng pandaigdigang batas.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino