Bagong pagkakataon ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan, sasalubungin ng Tsina't Portugal

2018-12-07 11:34:40 CRI

Sa katatapos na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Portugal, nilagdaan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI), MOU hinggil sa Pagtutulungan sa Kalakalan sa Serbisyo, at iba pa. Kasabay nito, nilagdaan din ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa ang anim na kasunduan sa larangan ng enerhiya, pinansya, telekomunikasyon, agrikultura at iba pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang nasabing mga kasunduan ay nakalikha ng bagong pagkakataong pangkasaysayan sa pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa.

Idinagdag pa ni Gao na bilang pagpapatupad sa mga natamong bunga sa katatapos na biyahe ni Pau. ngulong Xi, patuloy na palalakasin ng Tsina, kasama ng panig Portuges, ang pag-uugnay hinggil sa mga patakaran, pasusulungin ang pagtugma ng pag-unlad ng mga industriya, para maibuhos ang bagong kasiglahan sa komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Nagsagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa Espanya, Agentina, Panama't Portugal at lumahok sa Ika-13 G20 Summit mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5, 2018.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino