Pompeo at ministrong panlabas ng T. Korea, nagtagpo kaugnay ng denuklearisasyon

2018-12-07 15:31:29 CRI

Kinatagpo nitong Huwebes, Disyembre 6, ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos si Kang Kyung-wha, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Timog Korea (ROK). Nagtalastasan sila hinggil sa denuklearisasyon ng Korean Peninsula.

Ayon sa pahayag ng Kagawarang Pang-estado ng Amerika, nagkasundo ang dalawang panig na panatilihin ang mahigpit na koordinasyon para maisakatuparan ang "pinal, at ganap na beripikadong denuklearisasyon" ng Hilagang Korea (DPRK).

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino