1.35 milyon, taunang patay sa aksidente sa lansangan: WHO

2018-12-08 17:16:26 CRI

Inilabas nitong Biyernes, Disyembre 7 ng World Health Organization (WHO) ang ulat hinggil sa kalagayang panseguridad ng mga lansangan ng daigdig para sa taong 2018. Ayon sa ulat, nitong ilang taong nakalipas, patuloy na tumaas ang bilang ng mga napatay sa mga aksidenteng pantrapiko, at umabot sa 1.35 milyon ang karaniwang bilang kada taon.

Bukod dito, ang mga banggaan sa lansangan ay nagsilbing pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga bata at kabataan, na may edad na mula sa lima hanggang 29.

Ayon din sa ulat, mahigit 90% ng mga namatay sa aksidenteng pantrapik ang nangyari sa mga pinakamahirap na lugar ng daigdig.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino