Dating PM Howard ng Australia, dumalaw sa Tsina

2018-12-08 17:14:42 CRI

Kinatagpo sa Beijing nitong Biyernes, Disyembre 7 ni Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng CPC Central Committee, ang delegasyon ng Australia na pinangungunahan ni John Howard, dating Punong Ministro ng bansa.

Lumahok sa Ika-5 Diyalogo sa Mataas na Antas ng Tsina' t Australia ang nasabing delegasyon ng Australia.

Sinabi ni Yang na sa kasalukuyan, may tunguhin ng pagbuti at ibayo pang pag-unlad ang relasyong Sino-Australian. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Australia, para mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalawak ang mga pragmatikong pagtutulungan, mapalakas ang pagpapalitang di-pampamahalaan, mapahigpit ang koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig , at maisakatuparan ang win-win results.

Sinabi naman ni Howard na nagtamo ng positibong bunga ang katatapos na diyalogo ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang iba't ibang sektor ng Australia na gumanap ng positibong papel para ibayo pang mapasulong ang ugnayan ng Tsina't Australia.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino