Kramp-Karrenbauer, nahalal bilang bagong lider ng partidong CDU ng Alemanya

2018-12-08 17:18:01 CRI

Hamburg, Alemanya--Nahalal si Annegret Kramp-Karrenbauer bilang bagong tagapangulo ng Christian Democratic Union (CDU), naghaharing partido ng Alemanya, sa pambansang kongreso ng partido nitong Biyernes, Disyembre 7.

Si Kramp-Karrenbauer ay pumalit kay Chancellor Angela Merkel, na namuno sa CDU sa loob ng 18 taon.

Nauna rito, ang 56 taong gulang na babae na si Kramp-Karrenbauer, na kilala bilang AKK, ay nanungkulan bilang mambabatas, minister at puno ng Saarland, estado sa dakong timog-kanluran ng Alemanya.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino