3 high North Korean officials, pinatawan ng sangsyon ng Amerika

2018-12-11 16:33:04

Sa isang pahayag na inilabas Lunes, Disyembre 10, 2018, ng Kagawaran ng Tesorarya ng Estados Unidos, idinekara nito ang pagpapataw ng sangsyon laban sa tatlong mataas na opisyal ng Hilagang Korea. Sinabi nitong ang kanilang namamahalang departamento ay pinagdududahang nagsagawa ng kilos na lumabag sa karapatang pantao, pagsusuri sa pamumuno ng estado, at iba pa.

Anang pahayag, kabilang sa nasabing tatlong opisyal ay sina Choe Ryong-hae, Direktor ng Organization and Guidance Department ng Workers' Party of Korea (WPK), Pak Kwang-ho, Ministro ng Propaganda and Agitation Department ng WPK, at Jong Kyong-thaek, Ministro ng State Security Department ng North Korea. Ayon sa kaukulang regulasyon ng panig Amerikano, ipi-freeze ang mga ari-arian ng mga pinatawan ng sangsyon sa Amerika, at hindi puwedeng makipagkalakalan ang mga mamamayang Amerikano sa kanila.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino