Pangulong Tsino, kinatagpo ang mga kalahok sa 2018 Imperial Springs International Forum; multilateralismo't pagbubukas, ipinagdiinan

2018-12-13 10:04:23 CRI

Inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pananangan ng bansa sa landas ng multilateralismo at pagbubukas sa labas.

Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipag-usap sa mga panauhing dayuhang kalahok sa 2018 Imperial Springs International Forum (ISIF) na ginanap sa Guangzhou, punong lunsod ng Guangdong sa dakong timog ng Tsina.

Ani Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng bansa ng reporm't pagbubukas sa labas. Ipinagdiinan niyang sa prosesong ito, ipinauuna ng Tsina ang mga interes at benepisyo ng mga mamamayan. Ipinahayag din ni Xi na lipos ang kompiyansa ng Tsina sa pagpapanatili ng katamtaman at mabilis na paglaki ng pambansang kabuhayan, tungo sa mas de-kalidad na pag-unlad. Inulit din ni Xi na layon ng pagharap ng Tsina ng Belt and Road Initiative (BRI) na pasulungin ang komong kasagaan, at laging nananatiling bukas at inklusibo ang inisyatiba.

Ipinahayag naman ng mga panauhing dayuhan na ang reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina ay nagdulot hindi lamang ng kamangha-manghang pagbabago para sa sariling bansa, kundi ng positibong impluwensiya sa daigdig. Kinilala rin nila ang mga benepisyo sa iba't ibang bansa na dulot ng pag-unlad ng Tsina at magkakasamang pagpapasulong ng BRI. Ipinahayag din nila ang suporta sa multilateralismo.

Binuksan nitong Lunes, ang 2018 Imperial Springs International Forum. Ang tema ng dalawang araw na porum ay Pagpapasulong ng Reporma't Pagbubukas, at Pagsasagawa ng Win-win na Kooperasyon. Lumahok dito ang mahigit 200 dating puno ng estado at ng pamahalaan, mga kinatawan ng mga pandaigdig na organisasyon, dalubhasa, at business leader mula sa iba't ibang bansa.

Ang ISIF ay magkasamang itinatag ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) at Australia-China Friendship and Exchange Association (ACFEA), noong 2014.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino