Rusya, nagsumite ng burador na resolusyon sa UN

2018-12-16 15:25:23

Sinabi Sabado, Disyembre 15, 2018, ni Fedor Strzhizhovskiy, Tagapagsalita ng Pirmihang Tanggapan ng Rusya sa United Nations (UN), na isinumite na ng panig Ruso ang burador na resolusyon sa Pangkalahatang Asemblea ng UN tungkol sa pagpapanatili ng "Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) Treaty."

Ayon naman sa media ng Rusya, sinabi ni Strzhizhovskiy na ang sinadyang pagsuspinde ng Estados Unidos sa proseso ng pagtupad sa nasabing kasunduan, ay magdudulot ng banta sa kasunduan sa hinaharap. Aniya, layon ng pagsusumite ng burador na resolusyon sa UN na manawagan sa iba't-ibang panig na tupdin ang kasunduang ito at lutasin ang mga umiiral na problema sa pamamagitan ng itinatadhanang mekanismo sa kasunduan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino