SoKor: pahihigpitin ang ugnayang militar sa NoKor sa 2019

2018-12-22 15:29:27

Ipinalabas Sabado, Disyembre 20, 2018, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Timog Korea ang Ulat ng Gawaing Pandepensa sa Taong 2019 na nagsasabing sa susunod na taon, ibayo pang isasakatuparan nito ang "Kasunduan ng Pagtutupad ng Deklarasyon ng Panmunjeom sa Larangang Militar" para mapahigpit ang pagtitiwalaang militar ng dalawang panig.

Ayon sa nasabing ulat, sa susunod na taon, pasusulungin pa ng panig militar ng Timog Korea ang pagsasakatuparan ng malayang pagpapalagayan sa pagitan ng dalawang panig. Bukod dito, pasusulungin ng South Korea ang pagtatatag ng direktang linya ng telepono sa pagitan ng mga departamentong militar ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino