CPTPP, opisyal na nagkabisa

2018-12-31 15:35:51 CRI

Opisyal na nagkabisa nitong Linggo, Disyembre 30 ang Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP), 11 miyembrong kasunduang pangkalakalan.

Nilagdaan ang nasabing kasunduan ng 11 bansa na kinabibilangan ng Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore at Vietnam, nitong nagdaang Marso sa Santiago, Chile.

Bilang isa sa mga pinakakomprehensibong kasunduang pangkalakalan ng daigdig, ang CPTPP ay sumasaklaw sa halos 500 milyong populasyon, at ang kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng mga kasaping bansa ay katumbas ng 13% ng GDP ng daigdig.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino