Xi at Putin, nagpalitan ng mensaheng pambagong-taon

2018-12-31 16:41:23 CRI

Sa bisperas ng palalapit na 2019, nagpadala sa isa't isa ng mensaheng pambagong-taon sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

Sa kanilang mensahe, kapuwa ipinahayag nina Xi at Putin ang pagkilala sa mga natamong bunga ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Rusya sa taong 2018. Nakahanda rin silang samantalahin ang ika-70 aniberasaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa 2019 para mapasulong ang pagkakaroon ng bagong progreso ng ugnayang Sino-Ruso at magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Nagpalitan din ng mensaheng pambagong-taon sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino