Mike Pompeo, dadalaw sa 8 bansa sa Gitnang Silangan

2019-01-05 14:19:47

Ipinahayag Biyernes, Enero 4, 2019, ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na mula Enero 8, bibiyahe si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado sa walong bansa sa Gitnang Silangan. Bibigyan ng pangako nito ang mga kaalyado sa nasabing rehiyon na hindi uurong ang Amerika sa Gitanng Silangan para magkakasamang harapin ang "banta mula sa Iran."

Kabilang sa nasabing walong bansa ay Jordan, Ehipto, Bahrain, United Arab Emirates, Qatar, Saudi Arabia, Oman, at Kuwait.

Ayon sa ulat, pag-uusapan nina Pompeo at mga lider ng nasabing mga bansa ang mga temang gaya ng situwasyon ng Syria at Yemen, pagbibigay-dagok sa terorismo, at pagharap sa banta mula sa Iran.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino