Nepal, positibo sa konstruksyon ng Belt and Road

2019-01-09 12:15:57 CRI

Ipinahayag Enero 7, 2019 sa Kathmandu ni Pangulong Bidhya Devi Bhandari ng Nepal, na matalik na magkapitbansa at magkatuwang ang Tsina at Nepal. Aniya, nakahandang lumahok ang kanyang bansa sa konstruksyon ng “Belt and Road,” at ibayong pabutihin ang bilateral na pagtutulungan ng dalawang bansa.

Winika ito ni Pangulong Bidhya Devi Bhandari nang tanggapin niya ang credentials na isinumite ni Hou Yanqi, bagong Embahador ng Tsina sa Nepal. Ipinahayag ng pangulong Nepali, na igigiit ng Nepal ang patakarang Isang Tsina. Pinasasalamatan aniya niya ang suportang ibinibigay ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng kanyang bansa, at sa pagpapasulong ng kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan nito.

Ipinahayag naman ni Hou na pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Nepal. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Nepal para ibayo pang i-angat ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino