Pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano, may mahalagang katuturan

2019-01-09 12:47:17 CRI

Isang resepsyon ang idinaos kamakalawa ng gabi sa New York ng China General Chamber of Commerce-U.S.A (CGCC), bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.

Dumalo sa pagtitipon sina Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, dating Pangulong Jimmy Carter, at mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng dalawang panig.

Ayon kay Maurice Greenberg, dating tagapangulo at CEO ng American International Group, at isa sa mga Amerikanong mangangalakal na maagang namuhunan sa Tsina, noong dekada 70, nakikita niya ang pag-unlad ng Tsina, nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng bansa.

Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ng Tsina at Amerika ang pagsisikap, para magkasamang pasulungin ang kapayapaan at seguridad ng daigdig.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino