Pandaigdig na kampanya bilang suporta sa mga refugee, inilunsad ng UN

2019-01-09 14:17:27 CRI

Isang pandaigdig na kampanya ang ipinatalastas nitong Martes, Enero 8 ng United Nations Refugee Agency (UNHCR) bilang panawagan sa mga tao sa apat na sulok ng mundo na lakarin ang distansyang nilalakbay ng mga refugee bawat taon.

Sa ilalim ng nasabing kampanya na tinatawag na 2 Billion Kilometers to Safety, iniimbitahan ng UNHCR ang mga tao na makiisa at lakbayin ang dalawang bilyong kilometro sa taong ito, sa pamamagitan ng pagtakbo, paglakad o pagbisikleta, bilang suporta sa mga refugee. Ayon sa UNHCR, taun-taon ang mga taong napipilitang tumakas mula sa lupang tinubuan ay naglalakad ng 2 bilyong kilometro bago dumating sa unang ligtas na lugar.

Ang mga lalahok sa nasabing kampanya ay maaaring gumamit ng kanilang fitness app o campaign website para magtala ng kilometro at mag-ambag sa pandaigdig na kabuuang bilang.

Inaasahan din ng UNHCR na sa pamamagitan ng nabanggit na kampanya, maiipon ang mahigit 15 milyong dolyares para suportahan ang mga refugee sa larangan ng rehistrasyon, pagkain at tubig na maiinom, pansamantalang panirahan, basic aid, serbisyong medikal, at suportang sikolohikal.

Kilik ng isang Rohingya refugee ang kanyang anak na lalaki habang naglalakad sa natuyong sahig ng Ilog Naf makaraan nilang dumating, sakay ng bapor, sa Teknaf, Bangladesh, Setyembre 13, 2017. (File photo: IC)

Mga Rohingya refugee habang tumatawid sa hanggahan ng Myanmar na malapit sa Anzuman Para village, Bangladesh, noong Oktubre, 2017. (Photo credit: UNHCR/Roger Arnold)

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino