Tsina, suportado ang CPTPP

2019-01-11 11:46:47 CRI

Ipinahayag ng Tsina ang pagkatig sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP), at ibang mga kasunduang pangkalakalan, na nababatay sa mga alituntunin ng World Trade Organization (WTO).

Nagkabisa Disyembre 30, 2018 ang CPTPP na nilagdaan ng 11 bansa na kinabibilangan ng Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore, at Vietnam.

Sa regular na preskon nitong Huwebes, Enero 10, sinabi ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang pagpapasulong ng iba't ibang bansa sa pagkakaroon ng mga kasunduang panrehiyon hinggil sa malayang kalakalan ay nagpapakita ng di-nagbabagong tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan.

Inulit ni Gao ang kahandaan ng Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang panig para magkakasamang ibayo pang mapasulong ang globalisasyong pangkabuhayan at integreasyong pangkabuhayan ng rehiyon, batay sa mutuwal na kapakinabangan at pagbubukas sa isa't isa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino