Talumpati ng Pangulong Tsino, sinusubaybayan ng mga kababayang Tsino sa Belgium

2019-01-14 10:56:33 CRI

Kasalukuyang sinusubaybayan ng mga overseas Chinese sa Belgium ang talumpating binigkas kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagsasapubliko ng “Liham Para sa mga Kababayan ng Taiwan.”

Ipinahayag nilang nakahanda silang magsikap para sa pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng Inang Bayan.

Ipinahayag ni Zhu Hai'an, Puno ng China Council for the Promotion of Peaceful National Reunification in Belgium, na ang naturang talumpati ay nagbibigay-direksyon para sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait sa bagong panahon. Nananalig aniya siyang tiyak na maisasakatuparan ang reunipikasyon ng Inang Bayan, batay sa magkasamang pagsisikap ng lahat ng mga mamamayang Tsino sa buong mundo.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino