India, 5 bansa sa Gitnang Asya, at Afghanistan, palalakasin ang kooperasyon

2019-01-14 14:46:00

Samarqand, Uzbekistan - Ginanap Linggo, Enero 13, 2019, ang unang Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng India at Gitnang Asya na dinaluhan ng mga ministrong panlabas mula sa India, limang bansa ng Gitnang Asya, at Afghanistan. Sa magkakasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, ipinahayag ng pitong bansa ang kahandaang patuloy na palakasin ang kooperasyon para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad sa rehiyong ito.

Kabilang sa nasabing limang bansa sa Gitnang Asya ay Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Uzbekistan, at Turkmenistan.

Bukod dito, sinang-ayunan ng mga ministrong panlabas na sa taong 2020, gaganapin sa New Delhi, India ang ikalawang Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng India at Gitnang Asya. Iimbitahan din ang Afghanistan sa regular na paglahok sa mekanismo ng diyalogong ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino