Lider Tsino, dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Abu Dhabi Sustainability Week

2019-01-15 12:07:52 CRI

Bilang sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumalo si Yang Jiechi, Puno ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng CPC sa seremonya ng pagbubukas ng Abu Dahbi Sustainability Week.

Iniabot ni Yang ang pagbati mula sa Pangulong Tsino sa kasalukuyang pagtitipon.

Sinabi niyang iginigiit ng Tsina ang ideya at landas sa pagsasakatuparan ng maharmonyang pag-unlad sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan. Aniya, ang pagpapasulong ng green at sustainable development ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng Tsina ng economic transition, paraan upang makuha ang bagong puwersa sa pagpapasulong ng pagtutulungang pandaigdig, at responsibilidad sa pagtatatag ng komunidad ng shared future for mankind.

Dagdag pa niya, bilang magkatuwang sa isinasagawang konstruksyon ng "Belt and Road," positibo ang Tsina at mga bansang Arabe sa pagpapasulong ng sustainable development sa konstruksyong ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino