Tsina sa komunidad ng daigdig, patuloy na katigan ang kapayapaan at kaunlaran ng Mali

2019-01-17 15:22:09

Miyerkules, Enero 16, 2019, sa pagsusuri ng United Nations (UN) Security Council sa isyu ng Mali, nanawagan si Wu Haitao, pirmihang pangalawang kinatawang Tsino sa UN, sa komunidad ng daigdig na patuloy na magkaloob ng pagkatig sa kapayapaan at kaunlaran ng Mali.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wu na gumawa ng malaking pagsisikap ang pamahalaan at mga mamamayan ng Mali para maisakatuparan ang "Kasunduan ng Kapayapaan at Kompromiso," at natamo nito ang positibong progreso. Hinahangaan ito ng panig Tsino, aniya.

Dagdag pa niya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, para makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng Mali.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino