Ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at NoKor, gaganapin sa Pebrero

2019-01-19 11:01:14

Sinabi Biyernes, Enero 18, 2019 ng White House na gaganapin ang ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea sa huling dako ng susunod na buwan.

Kinatagpo nang araw ring iyon sa White House ni US President Donald Trump si Kim Yong-chol, dumadalaw na Pangalawang Tagapangulo ng Komite Sentral ng Workers' Party ng North Korea. Pagkatapos nito, isinapubliko ng White House ang impormasyong may kinalaman sa ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino