Pulong na Ministeriyal ng CPTPP, ginanap sa Hapon

2019-01-20 11:03:44

Tokyo - Ginanap Sabado, Enero 19, 2019, ang unang pulong na ministeriyal ng 11 bansa ng Comprehensive Progressive Trans-Pacific Partnership (CPTPP) sapul nang magkabisa ang kasunduang ito. Sa isang magkakasanib na pahayag na ipinalabas ng iba't-ibang panig pagkatapos ng pulong, ipinahayag nila ang paninindigang tumututol sa proteksyonismo at kumakatig sa malayang kalakalan.

Anang pahayag, upang kontrahin ang proteksyonismong pangkalakalan, dapat puspusang pasulungin ang malayang kalakalan at palawakin ang saklaw ng CPTPP.

Noong Enero, 2017, tumalikod ang Amerika sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP). Sinusugan ng iba pang 11 bansang kalahok sa TPP Talks ang kasunduang ito na naging CPTPP. Noong Disyembre 30, 2018, pormal na nagkabisa ang CPTPP.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino