UN Report: Kabuhayang Pandaigdig, lalaki ng halos 3% sa 2019 at 2020

2019-01-22 15:30:33

Ayon sa pagtaya ng ulat ng "Kalagayan at Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig sa 2019" na inilabas Lunes, Enero 21, 2019, ng United Nations (UN), sa kasalukuyan at susunod na taon, matatag na lalaki ng halos 3% ang kabuhayang pandaigdig.

Tinukoy ng ulat na kasunod ng paghina ng puwersang tagapagpasulong na hatid ng fiscal stimulus measures noong nagdaang taon, tinatayang bababa sa 2.5% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Amerikano sa kasalukuyang taon, at bababa naman ito sa 2% sa taong 2020. Tinataya namang lalaki ng 6.3% ang kabuhayang Tsino sa taong 2019.

Sinabi ni Elliott Harris, Punong Ekonomista ng UN, na napakahalaga ng multilateralismo para maisakatuparan ang target ng sustenableng pag-unlad. Dapat aniyang puspusang magsikap ang buong mundo para mapalakas ang sistemang ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino