Pangulo ng Pransya at Ministrong Panlabas ng Tsina, nag-usap: pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, palalakasin

2019-01-24 10:18:24 CRI

Nakipag-usap Enero 23, 2019 sa Paris si Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya kay Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.

Ipinahayag ni Pangulong Macron na pinahahalagahan ng Pransya ang relasyong Sino-Pranses. Aniya, sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang mataas na pakikipagpalitan sa Tsina, at palalimin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Aniya, positibo siya sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa kanyang bansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang Pransya na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, at magkasamang pangalagaan ang multilateralismo.

Ipinahayag naman ni Wang na sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Pransya para pahigpitin ang mataas na pagpapalitan at palakasin ang pagtutulungan sa enerhiyang nuklear, inobasyon, Belt and Road, pagbabago ng klima, at pangangalaga sa sistemang pandaigdig kung saan ang United Nations ang tumatayong nukleo, para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino