Kim Jong-un, humiling na pabutihin ang gawaing preparatoryo ng ika-2 summit ng DPRK at Amerika

2019-01-24 17:11:20 CRI

Nang katagpuin Miyerkules, Enero 23, 2019 ang delegasyon ng Hilagang Korea na kababalik mula sa Estados Unidos, ipinahayag ni Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea na naniniwala siya sa aktibong kaisipan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, at unti-unting tutungo sa nakatakdang target ang dalawang bansa.

Ayon sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA), ikinasisiya ni Kim ang kalagayan at natamong resulta ng ika-2 pag-uusap sa mataas na antas ng Hilagang Korea at Amerika. Iniharap din niya ang tungkulin at kahilingan hinggil sa kaukulang gawaing preparatoryo ng ika-2 pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino