Vladmir Norov, nanungkulan bilang bagong Pangkalahatang Kalihim ng SCO

2019-01-24 17:12:22 CRI

Beijing, Tsina—Idinaos Miyerkules, Enero 23, 2019 ang resepsyon ng panunungkulan ni Vladmir Norov bilang bagong Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Dumalo at nagtalumpati sa resepsyon sina Zhang Hanhui, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, Andrey Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina at iba pang persnonahe.

Pinasalamatan ni Norov ang ibinigay na pagtitiwala sa kanya ng mga lider ng mga kasaping bansa ng SCO. Aniya, buong tatag niyang igigiit ang iba't ibang simulain ng "Diwa ng Shanghai," mamanahin ang mainam na tradisyon ng SCO, at gagawa ng ambag, sa abot ng makakaya, para pangalagaan ang interes ng mga kasaping bansa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino