António Guterres, nanawagan para sa mas maigting na diwang pulitikal sa pagtugon sa pagbabago ng klima

2019-01-25 18:25:29 CRI

Ipinahayag noong ika-24 ng Enero ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations, ang isang natatanging talumpati sa 2019 World Economic Forum. Sinabi niyang ang pagbabago ng klima ay pinakamahalagang panganib na kinakaharap ng buong daigdig, pero kulang pa ang diwang pulitikal ng mga bansa sa pagtugon sa isyung ito.

Ayon kay Guterres, marami sa daigdig ang panganib ng maigting na kalakalan, suliranin ng utang, at hindi matatag na pamilihang pinansiyal. Higit na malubha ang pagbabago ng klima kaysa inaasahan ng mga siyentista.

Samantala, upang makuha ang suporta ng mga mamamayan sa multilateralismo at United Nations, sinabi ni Guterres na dapat ipakita ng UN ang pag-aalala nito sa mga taong hindi sumasang-ayon sa multilateralismo at nakararamdam ng kawalan ng kakampi, dapat lutasin ang mga suliranin, at ipaalam sa nakararami na ang UN ay nagsasagawa ng mga epektibong hakbangin hinggil sa problema ng kalabisan ng institusyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino