Magkasanib na pahayag hinggil sa E-commerce, nilagdaan ng mga kasapi ng WTO

2019-01-26 19:32:59 CRI

Nilagdaan kahapon, Biyernes, ika-25 ng Enero 2019, sa Davos, Switzerland, ng 76 na kasapi ng World Trade Organization (WTO) na gaya ng Tsina, Amerika, Unyong Europeo, Hapon, at iba pa, ang magkasanib na pahayag hinggil sa E-commerce.

Sa pamamagitan ng pahayag, ipinakikita ng iba't ibang panig, batay sa umiiral na mga kasunduan at balangkas ng WTO, ang kahandaang isagawa ang mga talastasan sa mga isyu ng E-commerce na may kinalaman sa kalakalan. Anang pahayag, ito ay para magdulot ang E-commerce ng mas malaking benepisyo sa mga bahay-kalakal, mamimili, at kabuhayan ng buong mundo.

Sinabi ni Zhang Xiangchen, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa WTO, na ang naturang pahayag ay makakatulong sa pagpapatingkad ng papel ng E-commerce para sa pagpapalakas ng kompiyansa ng iba't ibang panig sa multilateral na sistemang pangkalakalan at globalisasyong pangkabuhayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino