Taunang pulong ng WEF sa 2019, ipininid

2019-01-26 19:33:45 CRI

Ipininid kahapon, Biyernes, ika-25 ng Enero 2019, sa Davos, Switzerland, ang taunang pulong ng World Economic Forum (WEF).

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Presidente Borge Brende ng WEF, na nagtamo ng malaking bunga ang kasalukuyang taunang pulong. Iniharap aniya sa pulong ang mga pandaigdig na inisyatiba sa maraming aspekto, at ginawa ang mga pangako hinggil sa pagpapabuti ng kalagayan ng daigdig.

Ipinahayag din ni Brende, na bilang tugon sa napakarami at masalimuot na hamong dulot ng ika-4 na industrial revolution, patuloy na patitingkarin ng WEF ang bentahe bilang platapormang pangkooperasyon ng iba't ibang panig na may komong interes, para magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng buong mundo.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino