Paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 2019, babagal — Goldman Sachs

2019-01-27 15:24:51

Ayon sa pagtaya ng Goldman Sachs, sa kasalukuyang taon, babagal ang paglaki ng kabuhayan ng maraming bansa't rehiyong kinabibilangan ng Estados Unidos. Tinataya namang aabot sa 3% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 2019.

Ayon pa sa Goldman Sachs, kabilang sa mga kinakaharap na panganib ng kabuhayang pandaigdig ay madalas na pagbabago ng pamilihang dulot ng maigting na relasyong pampulitika sa Amerika, di-tiyak na elemento sa pagtalikod ng Britanya sa Unyong Europeo (EU), at iba pa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino