Pransya at Ehipto, nakahandang pasulungin ang estratehikong pagtutulungan

2019-01-28 12:01:28 CRI

Sa paanyaya ni Pangulong Abdel Fattah el-Sisi ng Ehipto, dumating nitong Linggo, Enero 27, local time, sa nasabing bansa si Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, para pasimulan ang tatlong araw na dalaw na pang-estado. Ito ang unang pagdalaw ni Macron sapul nang manungkulan siya bilang pangulong Pranses noong 2017.

Ayon sa pahayag ng panig ng Ehipto, ang pagdalaw ni Macron ay magtatatag ng bagong estratehikong ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng pulitika, kabuhayan at militar.

Napapanatili ng Pransya at Ehipto ang mainam na relasyon. Ayon sa mga media ng Pransya, ang Ehipto ay mahalagang diplomatiko at estratehikong partner ng Pransya at ang pagdalaw ni Macron ay bahagi ng estratehikong relasyon ng dalawang bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino