Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng dam sa Brazil, pumalo na sa 60

2019-01-29 10:53:58

Ayon sa panig opisyal ng Brazil, hanggang Lunes, Enero 28, 2019, pumalo na sa 60 ang bilang ng mga nasawi sa aksidente ng pagguho ng dam sa isang minahan ng bakal sa estado ng Minas Gerais, na naganap nitong Biyernes, Enero 25. Hanggang sa kasalukuyan, natiyak na ang indentidad ng 19 na biktima, at di-kukulangin sa 292 iba pa ang nawawala.

Sinabi ng isang opisyal ng Brazil na kasunod na paglipas ng oras, nagiging mas maliit ang posibilidad ng paghahanap ng nakaligtas. Ngunit, puspusang magsisikap ang lahat ng rescue members, aniya pa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino