Tsina't Sudan, ipinagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2019-02-04 15:01:16 CRI

Ngayong taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Sudan. Bilang pagdiriwang sa okasyong ito, nagpadala ngayong araw, Pebrero 4, ng mensaheng pambati sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Omar Al-Bashir ng Sudan.

Nakahanda ang dalawang pangulo na samantalahin ang okasyong ito para mapalalim ang mga pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan at mapasulong ang estratehikong partnership, sa pamamagitan ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI).

Nagpalitan din ng mensaheng pambati sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Mutazz Musa ng Sudan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino