Eurasian Economic Summit, nanawagan sa kooperasyon sa teknolohiya't siyensya

2019-02-07 19:41:17 CRI

Binuksan nitong Miyerkules, Pebrero 6, local time sa Istanbul, Turkey ang ika-22 Eurasian Economic Summit. Nanawagan ang mga kalahok sa mga bansang saklaw ng rehiyon na pawiin ang karahasan at digmaan at pahigpitin ang pagtutulungan sa teknolohiya't siyensya, kalakalan, enerhiya at telekomunikasyon, bilang tugon sa mga pandaigdig na hamon.

Ang dalawang araw na taunang summit ay nasa pagtataguyod ng Marmara Group Strategic and Social Research Foundation, organisasyong di-pampamahalaan ng Turkey. Mahigit 300 kinatawan mula sa mahigit 30 bansa ang lumahok sa taunang pulong.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino