PM ng Rusya, nagdiwang ng Chinese New Year sa Embahadang Tsino

2019-02-08 17:50:20 CRI

Bumisita kahapon, Huwebes, ika-7 ng Pebrero 2019, si Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya sa Embahada ng Tsina sa bansang ito, bilang pagdiriwang sa Chinese New Year o Spring Festival.

Ipinaabot ni Medvedev ang bating pambagong taon sa mga mamamayang Tsino. Ipinahayag din niya ang pag-asang, sa taong ito na ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Rusya at Tsina, patuloy na susulong ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership at kooperasyon sa iba't ibang larangan ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino