Hilaga at Timog Korea, tatalakayin ang hinggil sa kooperasyon sa 2020 Tokyo Olympics

2019-02-08 17:48:33 CRI

Isiniwalat kahapon, Huwebes, ika-7 ng Pebrero 2019, ng International Olympic Committee (IOC), na sa susunod na linggo, pupunta sa punong himpilan ng IOC sa Lausanne, Switzerland, ang mga opisyal pampalakasan ng Hilaga at Timog Korea, at tatalakayin nila, kasama ng IOC, ang hinggil sa kooperasyon ng dalawang bansa sa paglahok sa 2020 Tokyo Summer Olympics.

Nagkaroon minsan ng kooperasyon ang Hilaga at Timog Korea sa Pyeongchang Winter Olympics noong isang taon. Magkasamang pumasok sa istadyum ang mga delegasyon ng dalawang bansa sa seremonya ng pagbubukas. Lumahok din sa laro ng ice hockey ang magkasanib na koponan ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino