Ika-3 Pandaigdigang Pulong ng Langis, ginanap sa Ehipto

2019-02-12 15:56:35

Cairo, Ehipto - Ginanap Lunes, Pebrero 11, 2019, ang tatlong araw na Ika-3 Pandaigdigang Pulong ng Langis.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Mostafa Madbouly, Punong Ministro ng Ehipto, na ang nasabing pulong ay isang napakagandang pagkakataon para sa koordinadong kooperasyon sa pagitan ng mga kaukulang pamahalaan at sektor, at mga industriya ng enerhiya. Makikinabang aniya ang iba't-ibang panig sa matatamong bunga ng pulong.

Kabilang sa mga tema ng nasabing pulong ay kaligtasan ng enerhiya, kalusugan ng kababaihan, kapaligiran, pinansya, at pamumuhunan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino