Venezuela, hindi yuyukod sa sangsyon ng Amerika

2019-02-12 15:59:22

Ipinahayag Lunes, Pebrero 11, 2019, ni Vladimir Padrino Lopez, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Venezuela, na hindi paghihiwalayin ng anumang sangsyon ang Venezuela, at hindi yuyukod ang kanyang bansa sa mga sangsyon. Nanawagan din siya sa hukbo na maghanda nang mabuti para labanan ang pananalakay at pangalagaan ang kapayapaan.

Upang pilitin ang pagbaba ni Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela sa puwesto, walang humpay na humihigpit kamakailan ang ipinapataw na sangsyon ng Amerika laban sa Venezuela. Kabilang sa listahan ng sangsyon ng Amerika ay maraming opisyal ng pamahalaan at hukbo ng nasabing bansa. Bukod dito, ipinahayag kamakailan ni US President Donald Trump na hindi inaalis ang posibilidad ng pagsasagawa ng military interference sa Venezuela.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino