Bill Gates, pinapurihan ang kontribusyon ng Tsina sa pag-unlad ng daigdig

2019-02-13 15:30:35 CRI

Nagpalabas Pebrero 12, 2019 si Bill Gates, Tagapangulo ng Bill & Melinda Gates Foundation ng bukas na liham at isang video sa pamamagitan ng Xinhua News Agency, opisyal na ahensya sa pagbabalita ng Tsina. Pinapurihan ni Gates ang ambag ng Tsina sa pagpapasulong sa pag-unlad ng daigdig. Hinimok niya ang komunidad ng daigdig na pansinin ang inobasyon ng siyensiya't teknolohiya at lutasin ang mga isyung pandaigdig.

Sa video, inabi ni Gates na noong isang taon, patuloy na nagbibigay ng mahalagang ambag ang Tsina para sa pagpapasulong ng pandaigdigang pag-unlad. Aniya, nitong 40 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang malaking bunga sa pagpawi ng karalitaan, at dinaragdagan pa nito ang laang-gugulin para magbigay ng tulong sa paglutas ng mga suliranin sa iba pang bansa. Lagi aniyang kumakatig ang kanyang pundasyon sa Tsina, at umasa siyang, sa pamamagitan ng magkasamang pagtutulungan, makakalikha ng mas magandang hinaharap para sa mga mamamayan ng buong daigdig.

Salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino