Donald Trump, magdedeklara ng state of emergency sa buong bansa—White House

2019-02-15 12:47:49 CRI

Ayon sa pahayag na inilabas Huwebes, Pebrero 14, 2019 ng White House ng Amerika, lalagdaan ni Pangulong Donald Trump ang panukalang batas sa laang-gugulin ng pamahalaan, at gagamitin ang mga paraang administratibo na kinabibilangan ng pagdedeklara ng state of emergency sa Amerika, upang mapigilan ang "krisis sa pambansang katiwasayan at makataong krisis" sa hanggahan.

Pagkatapos nito, ipinahayag ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan, na di-angkop sa state of emergency ang kalagayan ng purok-hanggahan ng Amerika at Mexico. Tatasahin aniya niya ang katugong paraang pambatas.

Pinagtibay ng kongreso ang nasabing panukalang batas nitong Huwebes. Kung lalagdaan ang nasabing panukalang batas ni Trump, maiiwasan ang muling shutdown ng bahagi ng pamahalaang pederal.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino