Trump, ipinatalastas ang national emergency para sa border wall

2019-02-16 16:22:51 CRI

Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-15 ng Pebrero 2019, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang national emergency sa hanggahan sa timog ng bansa.

Ang aksyong ito ay naglalayong maglaan ng mas maraming pondo, sa kabila ng pagtutol ng Kongreso, para sa pagtatayo ng border wall sa pagitan ng Amerika at Mexico. Ito ay buong tinding tinututulan ng mga Democrat sa Kongreso.

Sinabi nang araw ring iyon ni Trump, na lumulusob ngayon sa Amerika ang mga drug dealer, human trafficker, at iba pang mga kriminal, at mapipigilan ang isyung ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng border wall. Dagdag niya, ang pagtahak sa paraang administratibo, sa halip na paraan ng lehislasyon, ay para mas mabilis na itayo ang border wall.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino